Minamahal sa Buhay
Sabi nga maganda ang buhay pag may mga taong nakapalibot na nagmamahal sa'yo at kasama mo ito araw-araw at habang buhay. Totoo nga naman lalo na kapag mahal mo rin ang mga taong nakapalibot sa'yo.
Sa iba madaling sabihin ang salitang mahal kita, mahal ko pamilya ko, mahal ko mga kaibigan ko o kahit pa sino, pero naaayon ba ito sa puso na nararamdaman mo at kilos? sa anong paraan mo maiipakita ang iyong pagmamahal?
Ayon sa lumang griyego may uri ng pag-ibig, ito ay ang mga; Eros-Pagmamahal sa pagitan ng dalawang tao. Storge - Pagmamahal sa pamilya. Philia - Pagmamahal sa pagitan ng magkakaibigan. Agape - Pagmamahal sa Diyos. Filial - Nagmamahal sapagkat siya rin ay minamahal bilang kapalit. Kung anomang uri ng pagmamahal ang iyong ipinapakita ito ay hindi mali dahil alam natin na walang mali sa pag-ibig ang mali lang ay ang taong minamahal at panahon.
Sa pagkabasa ko sa paksang ito ang pumasok sa aking isipan ay ang aking mga pamilya, sila ang nagbibigay lakas sa akin upang malampasan ang lahat ng problemang hinaharap. Sa aking karanasan noon bilang isang anak hindi ko lubos maintindihan kung anong uri ng pagmamahal meron ang isang mga magulang para sa kanyang mga anak o anak at ngayon na ako ay isa ng magulang dito ko naintindihan na ang pagmamahal ng isang maguang sa kanyang anak ay hindi mo masusukat at hindi ng hihingi ng kondisyon para lang mahalin at magmahal. Bilang isang magulang na may pagmamahal sa anak dito ko naintindihan na ang isang magulang ay walang ibang iniisip kundi ang kapakanan mga mahal sa buhay. Dito ko natutunan kung paano maging matatg sa lahat ng hamon sa buhay, lahat kakayanin para sa mga mahal mo sa buhay.
Pero dapat po nating tandaan tayo ay tao lamang lahat tayo nagmamahal at isa ito sa atingmga kahinaan, pero wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng Diyos sa sangkataohan. Ika nga Put God first at the center of your life.
Comments
Post a Comment